About Ralph

My Story

"100% Welcome to my e-blogger site"

                      My name is Ralph Arveen O. Cabigon a.k.a Rap-rap sa mga nakakakilala sakin. Business minded, Entrepreneur and undergrad. Still single @ my age 25 from the province of Antique pero ipinanganak at lumaki sa siyudad ng Caloocan. 

                      Mula ng pagkabata ay di ako interisado sa business because of my talent sa pagdradrawing at pagsusulat, pinangarap kong kumuha ng Fine Arts at maging Journalist. Kaya lang minsan nangarap ako ng malaki at ninais kong tumulong sa mga mahihirap pero paano ko nga naman magagawa yon kung gusto kong course ang pipiliin ko at ang alam kong talagang yumayaman ay mga negosyante.

Sumubok ako ng ilang mga negosyo, e-load, avon, piggery etc pero narealize ko na ganoon pala kahirap magnegosyo di dahil sa mahirap gawin.. yun ay dahil mahirap kumita ng malaki.  Naburn-out ako at itinigil ko ang mga negosyong palpak.

PAANO NAG-UMPISA ANG LAHAT..................

                     Hanggang sa nakilala ko ang MLM, NETWORK MARKETING o simply networking. Dati nang pumasok ang mother ko pero di ko noon pinansin yon kahit anlaki ng kitaan.. malay ko ba kung ano ang mga kumpanyang FIRST QUADRANT na sinalihan ng mother ko noong 2001.

Ngayon nang tumindi ang pangangailangan ko ay sinubukan kong alamin at pag-aralan kung ano ba talaga ang NETWORKING at dito na talaga ako nagkainteres at nabuksan ang isip ko. Walang ibang uri ng oportunidad na puwedeng kumita ng pagkalaki-laki sa napakaliit na puhunan dahil alam kong lahat ng negosyong malaki ang kitaan ay malaki rin dapat ang puhunan. 

Akala ko ay madali lang ang lahat, akala ko na ang NETWORKING ay simply investing money, paglilista ng mga kakilala at pag-offer sa kanila ng business.. but it's not. I failed many times and nagcontinue ang walang kuwentang journey kong ito until isang relatives ang siyang bumuhay uli ng natitirang pag-asa ko. Dito ay nagpatuloy uli ang pangarap ko, lalong nagresearch hanggang sa tuluyang naintindihan ang business. Di ko isinuko dahil sobrang laki ng potensiyal kaysa sa magtrabaho nalang o magnegosyo ng kung ano-ano o di kayay tumaya sa lotto.
My next job

                      Tulad ako ng karamihan, sumali at umaasang makakamit anuman ang nais kamtin sa buhay sa pamamagitan ng NETWORKING CAREER pero nagfailed, gayunpaman.. di ako nawalan ng pag-asa at naghintay ng pinaka-oportunidad sa loob ng oportunidad na ito.

Mahirap ang NETWORKING pero kung may skills ka at proper knowledge, doon lang dadali ang lahat. Wala ring pinagkaiba na nag-apply ka sa bakery na kung di ka naturuan ng mga basic skills at di ka nainstructionan ng mabuti ay kundi man durog ay sunog ang maluluto mong tinapay.

                       Sa aking ikalawang buhay networker, sinikap kong matutunan lahat, pinag-aralan kong mabuti at di tumigil sa paghahanap ng solution na siya ko ring ipapasa sa lahat ng mga magtitiwala sa akin.  I believe and bilib ako sa power of knowledge, more knowledge means more money to come and once you have more money, you will also have more power at diyan ka lang sisigaw ng ''POWER"... pero ang mas pinakapower ay ang makatulong ka sa ibang tao di man sa materyal na pamamaraan kundi sa libreng paglilingkod through sharing knowledge and thats the PURPOSE of my Blog.

so', welcome and enjoy my blog.









your friend..

Ralph Arveen O. Cabigon




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento