Biyernes, Enero 10, 2014

The Power Of FOCUS

Hirap parin bang umusad ang mlm business mo?

Mayroon kang marahil nakakalimutan na isang napakaimportanteng sangkap sa tagumpay na inaasam mo?

Ito ay ang pagkakaroon o pagiging FOCUS....

Ano ba ang focus?  


Based on Chinkee Tan Book - 
Focus is a concentrated attention of one's energy in any given point. Focus is a point of concentration and never ever underestemate the power of focus.

The more focus you are, the more powerful you will be. Conversely, the less focus you are, the less powerful you will be.



Makikita sa larawan na nagiging malakas at powerful na puwedeng makasunog ang simpleng sikat ng araw oras na gamitan ito ng isang instrumentong nagiging daan para maipon lahat ng nasasagap na init sa iisang lugar lamang.

Ilang halimbawa sa buhay natin, kung hindi ka focus sa pagmamaneho at kung ano-ano ang kinakalikot mo ay siguradong ospital ang bagsak mo o kamatayan.

Kung hindi ka focus sa pinag-aaralan mong bagay, mabagal o di mo makukuha ang resulta nito.

Kung hindi ka focus sa asawa mo, magkakagustot-magkakagusto ka sa iba.

Sa panahon ngayon kahit noon pa man, di na matatawaran ang nagagawa ng pagiging focus sa iisang bagay lamang.

Di kailanman natin magagawa ng maayos ang isang bagay hanggat di tayo nakaconcentrate lang dito. Minsan pa nga ay ginagamit sa mahika ang konsentrasyon o focus ng isipan upang mapagalaw ang isang bagay o ang tinatawag na Telekinesis/Psychokinesis.

                                 
                             Sadyang dito palang ay napakapowerful na ng utak natin kung lahat ng enerhiya natin ay itututok lang natin sa iisang layunin, ito ang sinasabing power of focus.

Ngunit sa MLM business, di utak o kahiwagaan ang topiko natin. Ang Power of Focus na pag-uusapan natin ay ang konsentrasyon o ang main attention natin sa iisa lamang na gawain o kakayahan. 
                   Ika nga ni Mr. Nestor Medina, isang negosyante at pastor.. ang utak ng tao ay inihahambing niya sa buhangin, oras na patumbahin mo ang isang lata sa pamamagitan ng pagsabog ng buhangin dito, imposibleng mangyari ito ngunit kung ipunin mo lang sa kamay mo at pormahing isang bola at itutok mo sa naturang lata, kahit may laman pa ang lata ay mapapatumba ito ng walang mintis.

DISCLAIMER lang po. Ang pagkakaroon ng pokus ay optional lang at di recommended ngunit kung nais mong mapadali ang trabaho mo o mlm business mo at garantisadong makamit ang tagumpay, napakalaki ng maitutulong ng pagkakaroon ng Pokus o yung buong atensiyon ng isip mo ay nakatutok lang sa iisang bagay o gawain.  

Walang kaso kung part time mo lang na ginagawa ang mlm business mo ngunit higit na mamamalas ang full potential kung full time mong ginagawa ang iisang business o company mo.





Minsan ba ay di ka nagtataka kung bakit ang mga kabayo sa intramuros maynila ay mayroong mga tila nakatakip sa kanilang mga mata ngunit may uwang ito kung saan
ang kanilang mga harapan lamang ang nakikita, ito'y para magawa ng maayos ng kabayo ang pinapagawa o iniuutos ng kanyang amo at di ito magpunta o lumiko kung saan-saan. Ang nakatakip sa mga mata ng kabayong iyon ang nagbibigay ng pokus sa kabayo sa gagawin nito.




 
Isang magandang halimbawa sa atin mismo, kung ikaw ay may mga proyekto o takdang-aralin na kailangang tapusin sa ngayong gabi, paano mo magagawa ito ng maayos kung marami sa paligid mo ang kumukuha ng atensiyon mo. TV, COMPUTER, CELLPHONE etc.... 



Anu-ano ba ang mga focus ang siyang makakapagbigay ng high potential of success.

1. TIME focus- Marahil ang ilan sa atin, bago paman sa sumali sa networking ay marami nang pinagkakabaalahan o tinatrabaho na siyang binubuhusan natin ng ating oras araw-araw. Walang masama sa pagiging part time ngunit di rin natin maikakaila na may pagkakataong di na natin alam kung ano ang uunahin, di na natin alam kung ano ang bibigyan ng sapat na oras dahil naglalaban ang dalawa mong gawain sa iisa mong oras. 

Kung ikaw ay laging busy sa work, dagdagan pa ng mga trabaho sa bahay at ibat-ibang gawain ay maaaring mapabayaan mo na ang iyong network marketing career at iignore ang lahat ng nakatakdang meeting, seminar at training.

2. COMPANY Focus- Sa dinami-dami ng mga nagsisisulputang mga oportunidad ngayon na

kung iipunin mong lahat ay makakabuo ka ng bundok ng mga oportunidad ay isa ring option para sa karamihan sa atin na pumili ng di lang isa kundi ng marami.  

Ang Advantage nito ay marami tayong source of income.
Ang Disadvantage nito ay di tayo nagiging loyal o solid sa lahat ng ating pinasukan.

Walang masama sa pagkakaroon ng maraming sideline ngunit hindi ito ang makakapagbigay sayo ng mataas na credibility bilang isang network marketer, maaaring mahawa sayo ang iyong mga follower o downline oras na malaman nila ang ginawa mo, maaaring magtampo rin sayo ang ilan sa mga downline mo na solid sa isa mong kumpanya.

Ang mas malupit ay maari mong maviolate ang terms and condition ng isa sa mga kumpanya mo para ikaw ay tanggalin as a member.

3. FINANCIAL Focus- Ang pera ang siyang pinakamahalaga para makagalaw tayo sa ating
negosyo lalo pat ang network marketing o mlm ay isang mobile business at peoples business, kailangan mong makipag interact o makipagcommunicate sa ibat-ibang tao. 

Minsan ilan sa atin ay nakapokus lamang ang budget at pera sa mga gastusing labas sa ating mlm business kaya dumarating sa puntong umuutang nalang tayo at wala na tayong pera para sa mga kailangang magawa sa ating mlm business. At least ay magkaroon din tayo ng isang budget na nakakatutok lamang o nakalaan lamang sa ating networking business.



4. MIND Focus- Isang simpleng example dito ay minsang sinasabihan ako ng aking ina na
magkakaproblema ako oras na pagsabayin ko ang business at study dahil paano ako makakatutok sa pag-aaral kung marami akong inaalala sa negosyo ko, mga utang, prospect, meeting etc at paano ako makakatutok sa negosyo ko kung marami akong inaalala, iniisip at pinoproblema sa paaralan, mga reviewer, assignment, test etc. Magkakaroon ng kaguluhan sa isip dahil mas dumami pa lalo ang lahat ng iniisip mo. 

Kung di mo aagapan ay mag-aagawan ang dalawa sa atensiyon mo.

@ last ay pag-uusapan nama natin ang ilang mga napakahalagang uri ng focus mula sa ating ATTITUDE.

Minsan ba ay kahit anong focus mo sa mlm business mo ay may mga kulang parin?
nakapokus naman ang isip mo, nakapokus naman ang buong oras mo, nakapokus ka naman sa iisang kumpanya at may budget na nakapokus sa mlm business mo ngunit bakit palpak parin?



Sa mlm business na ginagawa natin ngayon, di dapat nating kalimutan ang isang mahalagang focus at ito ay ang pagfofocus sa mga positibong bagay. 

Kapag ginagawa mo ang business
*nakafocus kaba sa success o sa failure?  
*nakafocus kaba sa pangit na mangyayari sayo o sa magandang kahihinatnan mo?  
*nakafocus kaba sa hirap na dinaranas mo o sa ligayang makakamit mo oras na magtagumpay ka?
*nakafocus kaba sa sarili mong kapakanan o sa kapakanan ng mga prospect at downlines mo? 
*nakafocus kaba transformation mo o sa comfort zone mo? 
*nakafocus kaba sa pangdadown ng iba o sa mga dream stealer o sa paninindigan mo sa negosyong pinasukan mo?
*nakafocus kaba sa ginagawa mo o sa ibang walang kuwentang gawain sa negosyo mo?
*nakafocus kaba sa kawalang pag-asa o sa pananampalataya sa maykapal?

Alalahaning ang attitude ang 100% sa isang tao kaya kung ang attitude mo ay ifofocus mo sa tama, tama rin ang makakamiy mong resulta.

So i hope na may natutunan kayo and i hope nakatulong ako.

Salamat sa pagbabasa ng aking mga Articles.


Thank you.









1 komento: