Huwebes, Enero 2, 2014

THE UPLINER

                                                             The part 1
                                                           by ralph arveen o. cabigon


                                    
                                                                           
                         Maraming tao ang naghihirap po ngayon, marami rin ang labis ang nangangailangan at higit sa lahat ay marami ang naghahanap ng mga oportunidad. Halos karamihan ng mga taga probinsiyang nagmamigrate sa maynila ay oportunidad ang hanap.  

80% dito ay job opportunity dahil yan po talaga ang MindSet nating mga pinoy.



Noon pa man, uso na ang mga oportunidad o raket para kumita bukod sa ordinaryong pagtatrabaho.
*tradisyunal na pagnenegosyo.
*self employment o neninigosyo o binebenta mo ang kakayahan mo.
*at ang mas malupit ay ang kapit sa patalim na oportunidad.

Minsan naisip ko, bakit kailangang isakpripisyo ang magandang pangalan, buhay, kalusugan at puri para lang kumita sa kakaunti at maruming paraan. Bat di nalang humanap ng magandang alternatibo para dito?



Mabuti na lamang at sa dinami-dami ng mga palpak na oportunidad o raket para kumita ay naimbento na ang isang uri ng alternnatibong paraan ng pagkita na di nangangailangan nang malaking pagsisimula, maghirap sa pagtratrabaho ng mahabang panahon at wasakin ang puri at kalusugan.

at ang mas matindi po ay sobrang laki ng kitaan.



Eto po ang tinatawag na MLM.  
or simply networking...    kung saan mag-iinvest ka at kikita ka oras na may maibenta o makarecruit.

Iba po kasi ang features ng ganitong uri ng negosyo kaysa sa nakasanayan o tradisyunal na source of income...
1. Duwende ang kapital/investment pero mala kapre ang kitaan.
2. Minsan may mga libre agad na mga insurance at scholarship
3. Di mo kailangan ng diploma at experience basta willing magpatraining.
4. Minsan kahit wala kanang ginagawa, pasitting pretty kanalang o paspeech speech kanalang ay kumikita kaparin.
5. etc etc...

kaya naman sa kabila ng maraming mga di nakakakilala o nasanay sa ganitong bagong money making raket na ito,, actually dati pa po itong nag exist pero bakit nasabing bago ay dahil sa evolution ng system at company..

ay marami ang naaakit at umiibig dito..

Ngunit kung bakit sa kabila ng dami ng mga sumasali at nag eembrace dito ay marami rin ang nagfefail at kung minsan ay nacoconvert sa pagiging ANTI MLMers..o negative sa networking ay dahil...

SA KAWALAN NG:
1. Katapatan
2. Responsibilidad
3. Pagtutulungan
4. Suportahan
5. Lubos o bukal sa loob na pagtulong

Sa 100% na sumali sa networking business 70% lang po dito ay talagang interisado at naghahangad magtagumpay at ang 30% naman ay yung mga nakikigaya lang, nakikiuso, napilitan, nadala lang sa panghahyping, para lang magkadiscount o yung walang sapat na reason why...  ang kaso, sa 70% nayon, maliit na porsiyento lamang ang natuturuan ng maayos at natutulungan ng kanilang upline o recruiter...   

at ang mas masaklap kung bakit maraming mga downline o member ang napapabayaan at di nasusuportahan ay dahil sa pansariling interes.

Basta't pera, yan talaga ang hanap po ng tao at kahit saan man ay maraming katiwalian at kalokohang nagaganap para lang magkapera ang isang tao.  Sa networking, ang mga sumusunod ay mga senyales na ginagamit kalang ng iyong upline para sa sarili nitong kapakinabangan:

*Kung mayaman o may kaya ka, o kung may malaki ka pong impluwensiya sa tao, ikaw agad ang lalapitan at rerecrutin pero kung mahirap kalang at mahiyain pero may mataas na pangarap ay sa iba ka nalang po magparecruit.

*Wala pong pakealam sa personal mong problema at pangangailangan, basta importante magpay-in kalang at maginvite.

*Di ka kakaibiganin o ituturing ng iyong upline na kapamilya o kapatid, di po yan interisado oras na magsabi o magkuwento ka sa kanya ng mga sarili mong hinaing, dinaramdam at tinitiis kahit labas na sa topiko ng business ninyo.

*Pinupuwersa ka, pinipilit, o tinatakdaan ng dapat mong gawin kahit alam naman niya na di mo kaya at baguhan ka palang po...  at kahit alam mo po na wala siyang sapat na tulong at suporta sayo.

*Di ka po tinuturuan ng tamang knowledge at skills para makuha mo kung ano ang nakuha niya dahil mas importante ang sarili niyang interes kaysa sayo.

*Hinihingian ka po ng mga dagdag bayad para sa ganito ganon na di mo alam kung para saan bayon.

*Kung oras na mangailangan ka po sa kanya ay dami niyang mga palusot, dahilan at reklamo at kung suwertehin na may invite ka ay doon lang po siya magiging mabait sayo.

*Oras na magquit ka, bahala ka na po sa buhay mo.. ikaw pa po ang sisisihin dahil wala kang kuwenta..

etc etc etc....


Ilan lang po ito sa mga traits o characteristic ng isang wrong upline o recruiter na dapat mo pong iwasan lalo pa't napakalaking impluwensiya ng isang upline o recruiter sa magiging resulta ng members o direct nito.

Ika nga


Kung ano ang UPLINE mo, kundi ka man magquit ay magiging ganoon karin po sa magiging downlines mo. Tulad ng isang magulang na ipinapasa lahat ng ugali, tradisyon, paniniwala at bagay sa mga anak nito sa pamamagitan ng paghubog.


Para sa mga nais magtagumpay sa pamamagitan ng tamang pagpapalaki po sa inyo bilang isang networker o network marketers, maaaring maghanap ng tamang mentor o coach na handang tumulong po sa inyo ng buong isip, puso at gawa at walang hinihinging kapalit. PERO bibihira na lamang po ang ganoong uri ng taong matulungin.

















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento