Biyernes, Enero 3, 2014

THE UPLINER 2


                            Part 2

                            THE POWER OF UPLINE
                            by ralph arveen cabigon



Sa mga naunang topiko nabanggit ang laki ng impluwensiya ng isang UPLINE sa success at kahihinatnan ng mga miyembro o downlines nito..  

Ang Upline kasi ang magbibigay ng 
*basic instruction
*guidance
*Training
*Knowledge
*Support
*Coaching/mentoring
Mula sa mga natutunan din nito sa mga upline nito.

Pananagutan na ng UPLINE o RECRUITER anuman ang mangyari at magiging kahihinatnan ng magiging DOWNLINE nito.

Kung bakit di puwedeng sabihin na ang success ng isang member ay nakadipende lamang sa kumpanya at produkto, marketing plan lamang kundi sa 75% dito ay sa UPLINE nito.



1.Maganda man o pangit ang kumpanyang pinasukan mo bastat ang upline mo ay focus at mahal ang kumpanyang pinasukan ninyo.

2.Maganda man o pangit ang produktong binibenta bastat ang upline mo ay numero unong tagatangkilik ng produkto ng kumpanya mo at tinuturuan ka ng effective skills sa simpleng pagbebenta.

3.Maganda man o pangit ang marketing plan ng business mo bastat ang upline mo ay tinuturuan ka ng tamang pagmamarket, pinapaintindi sayo na maliit man o kumplikado ang kitaan ay pagtutulungan ninyo yan sa abot ng inyong makakaya para kumita ng gustong amount.

4.Maganda man o pangit ang company support at training bastat grabe naman magturo sayo ang upline mo, super supportive, laging may training session, araw-araw o linggo linggo ay may binibigay sayong knowledge at lahat ng alam na strategy ay pinapasa sayo.

5.Kung sakaling magsara ang kumpanyang sinalihan ninyo bastat naririyan ang tunay mong upline, magpapatuloy ang pangarap mo anuman ang mangyari.

6.Kung sakaling ang member ay walang GLLA, mahina ang loob, madaling sumuko at walang rich mindset bastat may tunay na upline na handang gawin ang lahat para magbago at maging matatag ang mga members nito.




Kaya minsan makakarinig ka ng mga salitang 

"KAMI ANG da BEST COMPANY, 

"KAMI ANG number 1"

ang tanong, sapat na bang rason yan para sumali ang isang prospect?

at sapat na bang dahilan yan para makita ang future ng isang prospect?

Ang tunay na sasagot ay nasa mismong UPLINE.

Maaaring mawala ang lahat ng negosyo, product, kumpanya, knowledge etc.. pero ang partnership ninyo at sarili ninyong company o organization ng iyong upline at partners ay nananatili.

Marami ngayon kahit mahuhusay ang mga mlm business nila ay naliligaw at wala parin sa kanila ang satisfaction na tila ay parang nahihirapan sila..  

ito'y dahil wala sa kanila ang kapangyarihan ng isang tunay na UPLINE but unfortunately di lahat ng UPLINE ganito LALO PAT 

KARAMIHAN SA MGA UPLINE AY BAGO PALANG NAMAN AT DUMADAAN PALANG SA MGA TRAINING AT MOTIVATION.








Kaya bago sumali sa isang business kahit maganda pa ito, alamin mo muna sa taong nais kang isali o recruitin ay kung ano ba ang mga maaasahan mo sa kanya, marami ba siyang alam o mahilig ba siyang maghanap ng solution, kung may inihanda ba siyang mga plano at estratehiya at kung matutulungan ka nga ba niya etc.











Akala ng tao, madali lang ang pagsali sa mlm o networking business ngunit kung hindi ka wais at matalino, mahihirapan ka parin ng konti kaya work smart lang kaibigan.


                                                            

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento