Biyernes, Enero 10, 2014

The Power Of FOCUS

Hirap parin bang umusad ang mlm business mo?

Mayroon kang marahil nakakalimutan na isang napakaimportanteng sangkap sa tagumpay na inaasam mo?

Ito ay ang pagkakaroon o pagiging FOCUS....

Ano ba ang focus?  

Martes, Enero 7, 2014

Four fundamentals

Sa pagkakataong ito ay ibibigay ko naman ang apat na siyang pinakamahalagang sangkap sa mlm business mo na siyang may pinakamalaking impluwensiya o impact sa mlm business success mo. Ito ay ang SKAM o Skills, Knowledge, Attitude at Mentor.

Ooppss!, di po ito iligal, katunog lang..

Unahin muna natin ang Skills.

Kahit saan namang uri ng career, mapa artista, negosyo, trabaho, modeling etc ay nirerequire ang skills dahil kung mag-uumpisa ka ng pagiging cook sa restaurant at wala kang alam na mga skills ay magiging palpak ang trabaho mo.

Sa network marketing kaya marami ang nahihirapan at nagququit ay dahil wala silang natututunang skills o walang itinuturo sa kanilang proper skills lalo pat 60% ng mga sumasali ay baguhan pa lamang.  

Pinaka importante para kumita ang isang new member ay ang prospecting skills, inviting skills, selling skills, presentation skills at closing skills. Unfortunately, karamihan sa mga binibigay na mga new members palang ay puros NDO at motivation kaya ang karamihan ng mga new blood ay di alam ang gagawin, di alam kung paano at di kaya ang ginagawa ng mga magagaling na uplines.

Pangalawa ay ang Knowledge.

Karamihan sa mga pumapalpak na mga networker ay walang sapat na kaalaman sa pinasok na negosyo. Nag-aakalang ang network marketing ay isa lamang simple at madali ngunit alam mo naman na sa paaralan nga, pinag-aral tayo at pinuno ng mga kaalaman na 20% lamang dito ang siyang ating napakinabangan sa totoong buhay.

Kung ikaw ay sasali palang sa isang business venture ay pag-aralan mo muna ito ng mabuti at wag kang titigil at magdedesisyon hanggat di mo nauunawaan at naipapaintindi sayo. Oras na sumali ka na ay hindi natatapos sa mga Orientation at Training ang lahat, tip ko sayo ay magresearch sa internet at bumili ng mga libro ukol sa mlm business, manood sa youtube, laging magtanong at mangulit ng mangulit dahil tulad sa eskwelahan, ang pagkalap ng impormasyon ay di natatapos sa iisang libro lamang.

Pangatlo ay ang Attitude.


Marami sa mga networker ang hindi nagsassucceed dahil di nila alam na isa rin sa mga nakakasagabal ay ang sa loob nila o ugali nila. Ika nga ay kung nais mo magbago ang buhay mo sa labas ng sarili mo, kailangan mo munang baguhin ang loob mo o ugali't pagkatao mo.

Ilan sa mga cause ng failure at kapalpakan sa mlm business ay ang:
1.katamaran sa pagkatuto at pagsunod
2.walang commitment kaya napapabayaan ang negosyo
3.salbahe kaya ayaw lapitan at iniiwanan ng mga downline
4.mahina ang loob at mahiyain kaya walang mainvite o marecruit
5.bahala na attitude kaya walang tiyak na direksiyon ang negosyo
6.humihinto o nagququit agad, walang katatagan at pagtitiis
at iba pa.

Ika nga, kung nais mong magbago ang buhay mo, baguhin mo muna ang nasa loob mo o yung isip mo, ugali, kalooban, nakasanayan etc.

Pang-apat ay ang Mentor.


Maraming nagsasabi, kailangan pa ba ng mentor? 

Para sa mga eksperto, napakalaking tulong ang pagkakaroon ng mentor o coach na siyang totally mag gaguide sayo. Ang mentor kasi ang may marami nang pinagdaanan at experience o sa madaling salita ay eksperto na ito kaya agad nitong makikita ang bawat maling nagagawa mo at agad ay isasaayos niya ito oras na maipaalam mo sa kanya.

Higit na mahalaga ang isang mentor o coach sa mga baguhan pa lamang kung saan ay nangangapa pa lamang ito sa dilim.

Tulad ng isang basketball game, kung walang mentor ang isang grupo, walang magbibigay ng instruction sa kanila, walang magbibigay ng gameplan at walang gagabay sa bawat laro.

Sa network marketing, malaki ang potensiyal mong magtagumpay kung mayroon kang mentor o coach na siyang aalalay sayo at magbibigay liwanag sa tinatahak mong madilim na daanan papunta sa tagumpay.

Biyernes, Enero 3, 2014

NOTE:

paunawa lamang po.

Ang blog na ito ay unstable palang.. dahil ilang araw palang ito inumpisahan, marami pang isinasagawang pagbabago o editing..  gayunpaman ang mga blog post at page ay mananatili at patuloy na dadagdagan. 

sa huling linggo ng Enero 2014, ang blog/site na ito ay final o permanente na at wala nang babaguhin.

salamat.

THE UPLINER 2


                            Part 2

                            THE POWER OF UPLINE
                            by ralph arveen cabigon



Sa mga naunang topiko nabanggit ang laki ng impluwensiya ng isang UPLINE sa success at kahihinatnan ng mga miyembro o downlines nito..  

Ang Upline kasi ang magbibigay ng 
*basic instruction
*guidance
*Training
*Knowledge
*Support
*Coaching/mentoring
Mula sa mga natutunan din nito sa mga upline nito.

Pananagutan na ng UPLINE o RECRUITER anuman ang mangyari at magiging kahihinatnan ng magiging DOWNLINE nito.

Kung bakit di puwedeng sabihin na ang success ng isang member ay nakadipende lamang sa kumpanya at produkto, marketing plan lamang kundi sa 75% dito ay sa UPLINE nito.

Huwebes, Enero 2, 2014

THE UPLINER

                                                             The part 1
                                                           by ralph arveen o. cabigon


                                    
                                                                           
                         Maraming tao ang naghihirap po ngayon, marami rin ang labis ang nangangailangan at higit sa lahat ay marami ang naghahanap ng mga oportunidad. Halos karamihan ng mga taga probinsiyang nagmamigrate sa maynila ay oportunidad ang hanap.  

80% dito ay job opportunity dahil yan po talaga ang MindSet nating mga pinoy.


Miyerkules, Enero 1, 2014

TIPS TO BECOME SUCCESSFUL IN MLM


Picture
1st- Bago ka palang sumali sa isang venture, make sure na swak ito para sayo,wag kang sasali sa mga opportunity na di mo masyadong naiintindihan at nakikilala.


Ganoon din sa mga taong sasalihan mo, di ibig sabihin na mapapagkakatiwalaan mo sila dahil relative mo sila, friends o malalapit sayo ay sa kanila kana mag-iinvest. Always choose the right upline o business partner na sa tingin mo ay marunong at matutulungan kang ibuild ang business mo. 


Isa sa mga lesson na nalaman ko ay pagtitiwala sa isang pari, napakarami ang sumali sa paring ito at nag 7 heads pa nga ang karamihan pero naiwang nakatiwangwang ang kanilang mga venture business dahil walang sapat na kaalaman at skills ang naturang pari kaya wala ring sapat na maituro sa kanyang mga downline.


2nd- Dapat ang kumpanyang sasalihan mo ay subok na o stable in more than 6 years at may effective system dahil isa sa mga cause ng failing business ay ang pagsasara ng isang kumpanya after 2 to 4 years.


3rd- Ready yourself, before you join ay kailangan mong ihanda ang iyong sarili, maging wais at sigurista para iwas maloko ng mga mapagsamantala, mahalaga din na handa kang magbago na kung dati ay tamad ka, doon kalang sa comfort zone mo ay dapat baguhin mo na yan dahil payaman kana.


4th- (GLLA) Napakahalaga ng pagsunod sa bawat instruction ng upline mo, sa sistema ng negosyo, paulit-ulit na pag attend ng mga seminars at training etc, pakikipag-ugnayan sa mga successful na mga upline mo sa pinakaitaas, pagbabasa ng mga libro at webpage about sa mlm etc.. dahil ito sa kasabihang LEARN BEFORE YOU EARN.


5th- Sikapin mong baguhin ang attitude mo sa lahat ng aspeto, mindset mo, have a motivation, continuous learning and the most of all DO NOT QUIT etc. Ok lang mabigo o magpahinga ngunit oras na HUMINTO ka forever, permanent failure nayan.


6th- Be a leader, a responsible, honest, smart, helpful and great example leader dahil sa paglelead nagagawa mong mapatibay at mapalakas ang organization mo, makakapagbuild karin ng maraming leaders at patuloy na magproprogress ang mga member sa network mo dahilan para higit na lumaki ang potential of hitting your first million income.

Martes, Disyembre 31, 2013

THE REALITY OF LIFE

Sawa ka na ba sa buhay pagod, paikot-ikot ang oras at araw mo sa loob ng pinagtatrabahuhan mo?    Kumita ng sapat lang sa gastusin at minsan wala pang savings?    Nag-aalala kung ano na ang nangyayari sa pamilya o bahay mo?


Wala kang choice dahil yan lang ang alam mo at itinatak sayo, ang maging trabahador.  Palagay mo ba ay kaya ng suweldo mo ang milyon-milyong halaga ng iyong mga pangarap?  MAGANDANG BAHAY, MAGARANG KOTSE at iba pa. 


Mainam ang pagtatrabaho noon kaysa sa ngayon, di na iba sa pandinig na minsan kahit matagal na tayong nagtatrabaho ay tila umuutang parin tayo at minsan namamahalan parin tayo sa presyo ng mga bilihin, dahil sa katotohanang ang panahon at buhay ay nagbabago.  Patagal ng patagal ay pababa ng pababa ang sahod ng mga impleyado at pataas ng pataas naman ang cost of living kaya ang suweldo ay di sapat. Kaya ang mga impleyado sa ibang mga bansa ay di lamang nakatutok sa iisa nilang trabaho.
Picture
Minsan ba napapansin mong magastos ang mag-aral?    minsan kapag walang pantuition, magsusuicide ka nalang?   


at kung walang kakayahang makapag-aral ay hihinto ka nalang at magtatrabaho ng napakatagal na panahon dahil imbes na pang-ipon para pang matrikula ay ginagamit narin sa personal na gastos o naipapadala sa mga kamag-anak kaya di makaipon agad ng sapat.

Picture
Ilang beses ka nalang nakipagsapalaran sa sugal o LOTTO at nagbakasakali pero ilang taon kanang umaasa ay wala paring nangyayari at tila iisa o iilan lang ang sinisuwerte habang ikaw ay lagi nalang malas pero sige ka parin ng sige sa kahibangang umasa sa biyayang di mo alam kung may pag-asa pa. At malaman mo nalang na isang araw ay itigil ang gawaing walang kasiguruhan.

Picture
Lagi ka nalang tinatawag na batugan, walang kuwenta, inutil, tamad, palamunin at iba pa dahil imbes na tumulong kang iincrease ang kaginhawaan ng pamilya mo ay dagdag ka pa sa mga gastos at kung minsan ay di ka mapagbigyan kung gusto mong humingi ng perang pambili ng kahit anong gusto mo..   At isang araw ay gusto mong matuldukan agad ito at magkaroon ng financial freedom at satisfaction.

Pero minsan ba ay naisip mo, bakit ba lagi nalang ganito ang buhay mo, paikot-ikot sa mga bagay na nakakasawa na at wala rin namang ibinibigay kundi sakit ng ulo at kabiguan.

At bakit kailangan mo pang ipagpatuloy lahat ng ito? 

Panahon na para hanapin ang sagot, panahon na para buksan ang isipan..  Ang buhay ng tao ay magbabago lamang kung magbabago rin ang ugali nito.  Kung ugali mo ay walang pinaniniwalaan, wala ring maniniwala sayo, kung mabait ka, kabaitan din ang babalik sayo, kung sarado ka sa mga pumapasok na oportunidad, walang papasok na blessing sa buhay mo. Ang thats the reality of life.